Note from the Spectrum Mommy:
The content below was generously shared by one mommy who has a child on the spectrum. Initially, I was thinking about how to translate it into English so it could have a wider reach but I feel it is best to publish it as it is.
If your child or you know someone in your family circle that have been diagnosed with Autism Spectrum Disorder, I hope you can get to read this and hopefully, you can help us spread Autism awareness.
What You Can Do for Special Needs Parents
By: Hazel Atheia Tabilona
Ang Autism ay isang kondisyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang cause kaya wala ring lunas na mahanap.
Ang mga signs nito ay karaniwan na hindi halata kaya madalas na sabihin ng mga tao na "Mukha naman siyang normal".
But before judging us Special Needs Parents and our Ausome Children I want you to know these things:
1. Sa likod ng mga salitang "baka uminom ng kung ano-anong gamot ang nanay niyan" o "baka nagbibisyo ang nanay niyan", o "baka nagpabaya ang nanay niyan habang nagbubuntis", ay isang ina na matagal naghintay mabiyayaan ng supling. Isang ina na ininom lahat ng vitamins na kelangan, hindi pumalya sa check up at kumain ng masusustansiyang pagkain para lang sa supling na matagal niyang hinintay.
2. Sa likod ng mga salitang "ang arte kasi ng nanay niyan, kung ano ano pinapabakuna sa bata" ay isang ina na walang ibang ginusto kundi ang mailayo sa mga nakamamatay na sakit ang anak.
3. Sa likod ng mga tingin na nagsasabing "ang likot naman ng batang yan, pinababayaan lang ng magulang" ay isang ina na naghihirap para mapatherapy ang anak.
4. Sa likod ng mga tingin na nagsasabing "grabe naman magwala ang batang yan, spoiled masyado" ay isang batang may sensory issues at isang ina na gusto na lang umiyak dahil hindi alam paano mapapakalma ang anak.
5. Sa likod ng mga salitang "ano ba naman yang batang yan, parang bingi lang" ay isang bata na nakakaintindi pero hindi alam paano magresponse.
6. Sa likod ng mga salitang "parang may sariling mundo naman yang batang yan" ay isang batang nahihirapang makihalubilo pero gustong subukan.
Ang kondisyon na ito ay pang habang buhay. Hindi madali ang pinagdadaanan namin. At malaking tulong sa amin ang mapalawig ang awareness lalo na sa ating bansa para maiwasan ang panghuhusga ng mga tao.
I have an Ausome son, and I'm proud of it. 😊
Comentários